Saturday, February 3, 2018

GOD'S MESSAGES - NOVEMBER 2017 SUMMARY

Please read, understand, reflect the November 2017 summary, God's messages. If you want to read the actual Facebook post, please visit Narciso Olalo's facebook at  https://www.facebook.com/narsolalo

NOVEMBER 2017 SUMMARY
MGA MENSAHE NG DIYOS
BY: NARCISO OLALO

November 01, 2017
Mensahe ng Diyos: Habang nakaupo ako naisip ko lang na ang gawain ng tao ay puro pangsamantala at panglalamang sa kapwa nakakalungkot lang isipin na ang tao ay puno na sa kasamaan sabay narinig ko ang boses ni Diyos Ama "HINDI MANLANG NILA NAISIP NA KUNG ANO ANG PANGANGAILANGAN NILA NANDYAN AGAD SI MIS-K PERO ANG SASAKIT PA NG MGA SINASABI NILA" ang salita ng Diyos. Sabay nagising ako. Sino kaya ito si MIS-K? Kung sino kaman mag comment kalang dito sa wall ko. Baka may mga taong nagsamantala sayo at may mga sinasabing masasakit laban sayo lalo na nag share ka sa mga mensahe ng Diyos.

November 01, 2017
Mensahe ng Diyos: Habanng nakatayo ako hawak ko ang aking walet na maraming samot saring mga BANK CARD habang nakatitik ako sa credit card ko napansin ko ang pangalan nakasulat na MS-K nagtataka ako kung bakit MS-K ang pangalan ko na ang alam ko ako si Narciso Olalo sabay biglang nagring ang celphone ko at sinagot ko ito ang sabi BROTHER NARS AKO PO SI MERLE KAILANGAN KO NG PERA NGAYON DIN sumagot ako sandali lang dahil hindi alam ng asawa ko na nagbibigay ako sayo sabay binaba niya ang celphone, Nag-iisip ako kung paano ako magpadala na hindi dapat malaman ng asawa ko kaya nag pasya nalang ako na gagamitin ko ang ibang Bank card ko na hindi alam ng asawa ko. Lumakad ako papunta sa bangko sa daan na dinadaanan ko nakita ko ang isang mahabang ahas na mahaba ang nguso na humarang sa daan ko na ang buntot ay nag porma ng letter alanganin na Z na umiikis nag isip ako kung anong klasing ahas ito sabay narinig ko ang boses ni Diyos Ama "JEN" sabay lumapit sa akin ang ahas at sa takot ko sinaksak ko sa bibig para matigilan siya sa paghabol sa akin bigla akong napalingon sa paligid na gumagalaw ang mga damo ang alam ko may kasamahan pa siya sabay narinig ko ang boses ni Diyos Ama "HINDI SIYA NAG-IISA Kaya sa galit ko pinaghahampas ko ang kadamuhan at umalis na ako sabay nagising ako.
Kung babasahin ko ito ang mensaheng ito ay kadugtong sa MS-K na unang mensahe, Ito si MS-K ay maraming nagsamantala sa kanyang kabaitan, tumutulong siya na hindi alam ng asawa niya. Dahil marami siyang mga BANK CARD ibig sabihin may kakayahan siyang tumulong. Dahil ang pangalan ko ay MS-K at Si Merle ang tumawag sa akin kung babasahin ko ito si Merle at MS-K ay iisa. Ang pagpadala ko pag punta ko sa Bangko para magpadala ng pera na hindi ko pinaalam sa asawa ko IBIG SABIHIN TINATAGO NIYA SA ASAWA NIYA ANG MGA TULONG NA GINAGAWA NIYA SA TUWING MAY LUMALAPIT SA KANYA. Ang ahas na humarang sa daan na pupunta ako sa bangko na narinig ko ang pangalan na Jen ito ay isang babae na nakikinabang at siya ang ahas din na siya din ang nagsasabi ng masakit laban sa ginagawa ni Merle nagpapakitang tao na kunwari na mabait dahil may hinahangad siyang pang sarili lamang. Dahil NAKA HARANG SIYA SA DAAN GALIT NA GALIT SIYA TUNGKOL SA PERA NI MSK KUNG NASAAN NAPUNTA at DAHIL SINAKSAK KO ANG BIBIG NIYA NA MARAMING BISES IBIG SABIHIN MARAMI SIYANG SINASABI NA MAMASAKIT LABAN KAY MS-K. SA Nakita kung gumagalaw ang damohan na naisip kung may mgakasamahan pa ang ahas. Ibig sabihin maraming nasa paligid ni MS-K ANG NAGSAMANTALA SA KANYA" sa madaling sabi ang ahas isang taksil at simubolo ng demonyo ibig sabihin hindi sila tunay nagmamahal kay MS-K minahal lang nila ito dahil nakikinabangan nila sa panahong may pangangailangan sila pero hindi tunay na pagmamahal. Kung ako ang magsasabi in short ang mga taong nasa paligid niya ang mapagsamantala. Ang lahat ng ito ay mensahe ng Diyos. Pagpalain ka MS_ K o Merle na binigyan ka ng mensahe ng Diyos bilang paala sa kung ito'y naangkop sa storya sa buhay mo. God bless and more power.

November 01, 2017
Mensahe ng Diyos: Nakaupo kami ni Jesus sa isang lugar na biglang may dumating na mag Ama isang lalaki at anak din niyang lalaki ang tatay niya ay may hawak na mahabang itak ang sabi ni Jesus "PAG MASDAN MO SIYA kaya nakatitik ako sa dalawa bigla silang humento at sabay initak ang leeg ng kanyang anak pero napaatras ang anak at natumba ito. Bumangon na umiiyak at lumuhod sa harapan ng Tatay at hinawakan ang muka na may sinasabi pero dahil may kalayuan sila hindi ko maririnig ang sinasabi ng Tatay Sabay inilagay ng Tatay ang tulis ng itak sa dibdib niya at diniin niya ito habang nakatingin ang anak niya biglang bumuhagay ang dugo ng malakas at may sinisigaw ang taya sa anak. Natumba ang Tatay niya at hinawakan ito sa paa dahil gustong tumakbo ng bata habang umiiyak ang narinig ko lang ang sabi ng Tatay HAWAKAN MO ANG HANDLE SA ITAK sabay sumigaw si Jesus "WAGMONG GAWIN YAN DAHIL IKAW ANG PAGBINTANGAN NA IKAW ANG SUMAKSAK SA TATAY MO" ang salita ng Diyos. Sabay napalingon ang batang lalaki at nag tumb up sa aming dalawa at nagising ako. Nakakalungkot na ang panahon ngayon.

Narciso Olalo
November 02, 2017
Mensahe ng Diyos: Nasa loob ako ng isang bahay mayron akong ginagawa may nilagay ako sa isang timba at lumabas ako at pinatong ko sa isang bahay na kapitbahay din namin sabay narinig ko ang isang malakas na huni ng hangin. Napatingin ako sa malayo at nakita ko ang isang malakas na turnido nagkaroon ako ng takot iniiwanan ko ang timba ko sabay narinig ko ang boses ni Diyos Ama na sumisigaw "SABIHIN MO SA MGA TAO NA MAGHANDA DAHIL MAKAKARANAS NA KAYO NG PINAKAMALAKAS NA HANGIN NA BUBUNUTIN ANG MGA PUNO AT ILILIPAD SA ITAAS" ang salita ng Diyos. Tumakbo ako sa kabahayan at nagsisigaw naglabasan ang mga tao at nagsitakbuhan habang nakita ko ang puno na nabubunot at dumaan sa uluhan ko dumapa ako sa takot na matamaan ako. Umikot ang malakas na hangin kaya umikot din ako nagkobli ako sa isang malaking puno sa takot na tatangayin ng hangin dumaan sa tagiliran ko ang ulo ng hangin sabay narinig ko ang boses ni Diyos Ama "WAGKANG MALIKOT MANATILI KALANG KUNG SAAN KA NAKATAYO IIWASAN KA NG HANGIN HINAHANP KO LANG ANG MGA TAONG MASASAMA IPADAMA KO SA KANILA ANG BAGSIK NG POWER NG DIYOS KAYA SILANG LAHAT AY LAGGING HANDA" ang salita ng Diyos. Sabay nagising ako alas unsi na pala ng kalahating gabi. Ang lahat ay maging handa. Ang mensahe ng Diyos.
November 03, 2017
Mensahe ng Diyos: Galing ako matulog nag toilet antok na antok ako bigla ko nalang naalala na may isang lalaki na lumundag sa bakod na malapit sa akin pilit kung alalahanin dahil ang nalala ko naka side view siya pero hangang doon lang ang naalala ko. Dahil antok na antok pa ako bumalik ako sa pag higa gawa ng 11:55 midnight pa humiga sa pagpikit ng mata ko ang sabi Lord ipaalala mo sa akin iyong panaginip ko kung sino yong lalaking yon wala kasi akong maalala habang pilit ko itong alalahanin at hindi ko alam nakatulog yata ako. Bigla ko nalang narinig ang boses ng isang babaeng nagsasalita ng pinakatay ang sabi BING......MAKAKITA DIAY SIYA NG KASALANAN.....habang nag-isip ako kung sino ito si Beng...... or Bheng...... paulit ulit kung isipin kung sino ito siya bigla ko nalang narinig ang boses ng babaeng parang kilala ko ang sabi OHH.... MY GOD THAT IS MAMA. pilit kung alalahanin kung sino ang babaeng yon na parang kilala ko sabay narinig ko ang boses ni Diyos Ama "SI MERLE YAN" ang salita ng Diyos. Sabay nagising ako mag 1:00am na pala. Ang mensahe ng Diyos.
Kung babasahin ko ito May isang lalaking nagbubukas sa wall ko at nagbabasa sa mga post ko. Ang boses ng isang babaeng nagsasabing BHENG MAKAKITA DIAY SIYA NG KASALANAN NA PINAKATAY ANG BOSES ibig sabihin nito isang matanda na ang nagsasabi nito naniwala siya sa akin pero hindi niya alam lahat kung ano ang pinarating ko. Ang paulit-ulit kong alalahanin na sino si Bheng at bigla ko narinig ang boses ng isang babaeng kilala ko pero hindi ko mantandaan kung sino siya pero malinaw ang pakarinig ko ang sabi ng boses ni Diyos Ama SI MERLE YAN ibig sabihin nito may IBANG TAWAG KAY MERLE NA ANG TUMATAWAG NITO ANG MAMA NIYA DAHIL ang sabi ni Merle NOONG PILIT KONG ALALAHANIN KUNG SINO SI BHENG ang sabi ng babae OH MY GOD THAT IS SI MAMA malinaw na malinaw ang mensahe na umiikot ikot ang storya na magulo ibig sabihin nito nagkagulo gulo gulo sila. Ang mensahe ng Diyos.
Ang paulit ulit na mensahe ng Diyos Kay Merle Jonalyn Kilem Koury ito ay isang paalala sa pamilya niya bago pa umani kung ano ang mga pinunla. May panahon pa para makapagbago, makapagsisi kahit hindi kayo maniwala, tikom nalang ang mga bibig ninyo. Hindi ko kayo naririnig pero ang Diyos ay hindi ninyo mapaglihiman. Pag ganito na malakas ang kalabog ng dibdib ko dito ako nalulungkot isang araw mmabalitaan ko nalang. Please kung sino man kayong nasa paligid ni Merle Jonalyn Kilem Koury na nagsasalita ng masakit laban sa akin itigil nyo na subok ko na ang poqwer ng Diyos. Nababasa nyo ba ang sabi ng Diyos TUWING NASASAKTAN ANG DAMDAMIN MO LAGING MAY KAPALIT ang mensaheng ito ay hindi lang sa akin sa lahat ng taong naging bahagi sa pagparating sa tunay na mensahe ng Diyos. Angkop ito sa lahat. Kaya kung hindi kayo naniwala walang pilita hindi ko kayo kailangan, hindi ako nagtatayo ng relihiyon ako ay nagparating lamang sa tunay na mensahe ng Diyos bilang paalala sa lahat bago pa ang second coming.Please lang kung hindi kayo naniwala wag kayong maraming sasabihin pa dahil maaring darating ang panahon na masama ang mensahe ng Diyos na iparating niya. Malinaw ang sabi ng Diyos WAG NILANG SUBUKAN ANG KAKAYAHAN MO DAHIL PARANG SINUSUBUKAN NILA ANG POWER NG DIYOS. Ang salita ng Diyos. Hindi nyo ba nababasa ang mga taong menimensahean ng Diyos ng masama na may nangyari sa kanila hindi paba sapat sa inyo ang nasa wall ko. Kayo din walang pagsising nasa unahan. Wag kayong magpunla ng masamang boto dahil masama din ang aanihin ninyo. Napansin ko kasi paulit ulit ang mensahe ng Diyos tungkol kay Merle Jonalyn Kilem Koury may ibig sabihin ang Diyos nito maraming nasa paligid ni Merle na nagsasabi ng masakit gawa ng maraming si Merle Jonalyn Kilem Koury ginawa sa mensahe ng Diyos para makarating sa karamihan. Pag nag mensahe ang Diyos na masama sa inyo humanda kayo dahil hindi ko ito itatago mababsa ninyo lahat sa wall ko parang awa nyo na nagpakaawa ako sa inyo na tigilan na ninyo ang mga mahang na salita dahil Diyos ang kalaban ninyo at hindi ako.

Merle Jonalyn Kilem Koury Kung totoo itong lahat paki usap lang kung hindi sila naniwala wagna sila mag salita pa ng masasakit laban sayo at sa akin dahil ang salita ni Jesus na TUWING NASASAKTAN ANG DAMDAMIN MO LAGING MAY KAPALIT. Paulit ulit ko ito sinusulat at sinasabi sa video na ang mensaheng ito ang angkop sa lahat na naging bahagi sa pagparating sa mensahe ng Diyos. Hindi man ito maramdaman nila agad pero darating ang oras aanihin din nila ang mga pinunla nila. Pag ang Diyos ang maninigil maraming paraan. Kung nababasa nila ang sabi ng Diyos na ANG HINDI NANIWALA SAYO WALA KA NG GAGAWIN SA KANILA, IPAUBAYA MO NA SILA LAHAT SA AKIN AKO NA ANG BAHALA AT MARAMING DARATING. KUNG ANG MGA MENSAHE KO NA PINARATING KO SA MGA TAO AT MANGYARI AGAD HINDI NA AKO NAGPAALALA NAGHUHUKOM NA AKO" ang salita ng Diyos. Kaya magbasa muna sa wall ko bago kayo mangutya para hindi kaya umani ng hindi kanais nais.
Narciso Olalo
November 07, 2017
Mensahe ng Diyos: Nasa isang lugar ako nag putol ng KAWAYAN nagawa kung mag putol ng dalawa at kalahati, tinalian ko ito at bigla ako napalingon na may isang lalaki may pas-an na dalawang malalaking kawayan habang naglalakad sa pagdaan niya sa harap ko si Jesus pala ang sabi ko BAKIT MO PAS-AN YAN hindi siya sumagot kaya pinas-an ko narin ang dalawa at kalahati na tinali ko. Lumakad ako sumunod sa kanya. Pag dating ng hindi kalayuan binaba namin ito. Habang nakayo kami may kotse nasa tabi namin ang sabi ni Jesus SEGI NA TAYO NA sumakay kami siya ang nag drive. Tumakbo kami ng hindi kalayuan ang sabi niya ikaw muna ang mag drive kaya nagpalit kami ng upuan habang tumatakbo ang sabi niya MISA PARENYAS nag isip ako kung ano ito hummento ako at bumaba kaming dalawa tinupi niya ang kotse at binitbit niya paayat sa isang bahay. Pero bago siya umakyat nag salita siya PAMISA PARENYAS sabay umakyat siya. Habang nasa silong ako nag lilinis ako sa mga soka at papel na bulok na nagkalat sa silong kinayod ko ang dumi at kalat na nasusuka ako at nakikita ko ang isang puso na buong na nakabalot pa ng laway na sinuka diring diri ako nagtanong ako kung bakit maraming biko na sinuka sa silong ng bahay sabay narinig ko ang boses ni Diyos Ama HANDA YAN NILA SA ARAW NG KALULUWA" ang salita ng Diyos. Sabay nagising ako. Kung kayo ang mag basa anong mensahe ang pinarating ng Diyos dito? Good luck para sa lahat ng sasagot o magpaliwanag.
Translation sa mensahe n Diyos Dated November 07,2017
Kung babasahin ko ito ayon sa mensahe ng Diyos na pinarating niya dito. Ang pag putol ko sa kawayan ay isang simbulo na ang ginagawa ko na inarating ko sa mga tao ang tunay na paniniwala pa at pagsiwalat ko sa katutuhanan para mabawasan manlang ang bigat na pinapasan ng Diyos na mga kasalanan ng tao KAYA MAY KALAHATI . Ang dalawang kawayan ay pangalawang pag pasaan niya kaya ito na ngayon nagpaalala na siya sa pagbabalik niya muli ito ang DALAWANG KAWAYAN PANGALAWANG PAGHUKOM NIYA SA BUHAY NG MGABUHAY AT PATAY. Ang kawayan ang may mga tinik SIMBULO SA TINIK NA NILAGAY NILA SA ULO NI JESUS HABANG PINAPALO SIYA NG MGA DEMONYO NA TUNAY NA TAONG HINDI NANIWALA SA KANYA NOON NA MGA TAUHAN NG MGA HARI. Ang sabi ng ni Jesus na tayo na Ito ay pinag utusan na niya ako na iparating sa mga tao ang mensahe niya bilang paalala sa mga tao AKO ANG NAGGAGAMOT PERO SIYA ANG NAGPAGALING ito yong siya nag DRIVE DAHIL SIYA ANG NAG UTOS nag palit kami ako naman ang nag drive ibig sabihin AKO ANG NAGGAGAMOT AT SIYA ANG NAGPAGALING, AKO ANG NAGSASABI SA MGA TAO SA MGA MENSAHE NIYA PERO AKO ANG KAUSAP NIYA PARA IPARATING KO SA MGA TAO. Ang tinupi niya ang kotse ibig sabihin niya dito na KAHIT ALAM NA NG TAO ANG MGA PINARATING SA TUNAY NA PANINIWALA TUNGO SA KALIGTASAN HINDI PARIN NILA NASUSUNOD tulad ng PAMISA. Ang pamisa parinyas IBIG SABIHIN NG DIYOS KAHIT ALAM NA NG TAO ANG KATUTUHANAN MAG PAMISA PARIN YAN O SILA kaya biko ang hinahalimbawa ng Diyos IBIG SABIHIN NG DIYOS HINDI BASTA BASTA NA MABAGO NG TAO ANG MALING BUONG AKALA AY TAMA MATAMIS PARIN ANG PANGLASA NG TAO SA PAINIWALA KASINUNGALINGAN KAY SA PANINIWALA ALINSUNOD SA GUSTO NG DIYOS TUNGO SA TUNAY NA KALIGTASAN. Ang mga papel na bulok AY SIMBULO NG MGA PAPEL NA LISTAHAN NG MGA KALULUWANG PINAPAMISAHAN NG MGA TAONG NANIWALA SA PARI AT PASTOR NILA NA ANG PAMISA AY WALANG SILBI KAYA BULOK NA PANINIWALA. Ang nakikita kung puso na nakabalot ng laway, IBIG SABIHIN NG DIYOS NA MATIGAS TALAGA ANG PUSO NG TAO NANIWALA SILA SA MGA TAONG NAGTUTURO NA LAWAY LANG ANG PATUNAY AT HINDI GALING SA POWER NG DIYOS. Ito iyong sinasabi ng Diyos na HANDA YAN NILA SA ARAW NG KALULUWA ibig sabihin din ng Diyos pinaghandaan parin nila kahit alam na nila hindi tama.
Maraming salamat sa mga taong nagpaliwanag kahit papaano may kanyakanya tayong pangunawa na maipamahagi natin sa mga taong bulag sa katutuhanan. God bless us all.
Narciso Olalo
November 07, 2017
Mensahe ng Diyos: Nasa loob ako ng malaking bodega ng bigasan, pinapanood ko ang apat na tao na naglagari. Habang nasa itaas ako may isang lalaki na sumigaw sir ang gusto ng anak ko ipagpalit ang libro nasa baba sa ibabaw ng cabinet nakatayo. Dumungaw ako nakita ko ang dalawang dalawang volume na libro na parehong pareho magkaiba lang ng kulay isang bago at isang luma. Sigaw ako sa lalaki bakit mo ipag palit na parehon lang naman yan. Sumagot ang lalaki GUSTO NG ANAK KO NA IPAGPALIT kaya bumaba ako at lumapit ang isang lalaki na may ari ng budega ang sabi kunin mo ang kalahating sakong bigas sa kabilang section nakapatong nasa gitna. Kaya sumunod ako pag dating ko doon nakita ko ang kalahating sakong bigas at hinila ko ito. Sa paghila ko nagulat nalang ako na may maliit na manipis na parang sinilid at nagliyab ito papunta sa mga sako nagmamadali ako umakyat patas para patayin ang apoy sabay narinig ko na pasigaw na boses ni Diyos Ama MAG-INGAT KA DAHIL NA PRAME UP KA'' ang salita ng Diyos. pababa na ako nakita ko uli na nagliyab ang sa kabilang sako sumigaw uli ang Diyos PATAYIN MO ANG APOY DAHIL IKAW ANG PAGBINTANGAN NA IKAW ANG NAG SUNOG SA BODEGA NILA, KUNIN MO ANG DALAWANG KALAHING SAKONG BIGAS AT ITAPON MO ANG LAMAN AT ITAPON MO ANG SAKO SA LUGAR NA WALANG MASUSUNOG PARA HINDI SILA MAG TAGUMPAY SA KANILA BALAK SAYO" ang salita ng Diyos. Sinunod ko ito nagmamadali ako. Pagkatapos nakita ko si Jesus nakatayo na likuran ko ang sabi niya MABUTI NA NASA LIKOD MO AKO DAHIL KUNG HINDI MAKUKULONG KA. 
Ang salita ni Jesus sabay nagising ako umaga na pala. Ang mensahe ng Diyos.
Narciso Olalo
November 11, 2017
Mensahe ng Diyos: Nasa palengke ako namili ng mga gulay, habang namimili ako naririnig ko ang boses ni Diyos Ama "BILIHIN MO ANG MGA GULAY NA CARROT AT LABANOS O RADIS" ang salita n Diyos. Habang namimili ako sinasabi niya YANG HAWAK MO MAGANDA YAN TULAD NG ANAK MO NA SI MARY" ang salita ng Diyos. Nag-iisip ako kung bakit hinahalintulad ng Diyos ang pinipili kong gulay sa anak ko sabay nagising ako. Kung kayo ang mag basa anong mensahe ang pinarating ng Diyos dito. Good luck sa lahat.
Narciso Olalo
November 11, 2017
Mensahe ng Diyos: Habang nakikita ko ang isang babaeng may binabalot nagtataka ako kung ano ang ginagawa ang sabi n Diyos "KAARAWAN NIYA lumapit ako sa babae ang sabi ko bakit hindi mo sinabi na b-day mo ipagbalot sana kita ng regalo, sabay tumawa ang babae habang nag patuloy ang pagbabalot. Napansin ko may isang bagay din nasa paligid ko binalot ko rin ito. Hindi pa ako natapos lumapit sa akin ang babae KUNYA ITO ANG REGALO KO SAYO AT BINIGYAN DIN NIYA ANG KATABI KO. Sabay narinig ko ang boses ng Diyos "YON ANG TAMANG PAG CELEBRATE NG B-DAY ANG MAY KAARAWAN ANG MAMIMIGAY HINDI ANG MAY KAARAWAN ANG PAKAKITAAN" ang salita ng Diyos. Lumipas ang oras hindi ko pala nakuha ang regalo ko na nilapag ng babae sa tabi ko bigla ko nalang naisip at sa pagtingin ko wala na pala kinuha ng iba nalungkot ako sabay ang sabi ng Diyos HAYAAN MUNA PARA MAKINABANGAN NG IBA" ang salita ng Diyos. Sabay nagising ako. 
Kung kayo ang magbasa anong mensahe ang pinarating ng Diyos dito? Good luck para sa lahat.
Narciso Olalo
November 11, 2017
Mensahe ng Diyos: Naglalakad ako sa daan habang naghahagis ako ng isang bulak palayo sa harapan ko, pag dating ko hinahagis ko uli ito. May isang lalaki na lumapit sabay naghagis din siya tinutumbasan niya ang hagis ko pero masmalayo ang narating sa kanya gawa ng ibang bagay ang ginagamit niya at hindi bulak. Nagpatuloy kami at may isang lalaki uli na naghahagis at masmalayo pa ang narating nito at ibang bagay naman ang hinagis niya na parang hugis pakpak na kulay dirty white tulad din ng isang lalaki habang nakatingin ako sa bulak ko na masmatingkad ang pagka puti nito. Nagsalita ako kayong dalawa masmalayo ang narating ng bawat hagis ninyo dahil hindi kayo patas. Sabay lumapit si Jesus sa gitna ang sabi "KAMI NOON LAHAT KAMI MGA TALONG NAKA RELAY KAMI" ang salita ni Jesus sabay nakikita ko ang mga talong na pinagtalitali-an ng nylon na nakahilira. Sabay nagising ako ang mensahe ng Diyos. Kung kayo ang magbasa anong mensahe ang pinarating ng Diyos dito? Good luck para sa lahat.

Narciso Olalo
November 11, 2017
Mensahe ng Diyos: Nasa labas ako ng isang bahay nakilala ko pinagkwentuhan ang pamilya nila sa mga taong nasa labas din na masungit na daw at naghirap na daw nalulungkot ako na naririnig ko ang mga kwento sabay naring ko ang boses ni Diyos Ama "WAGKANG MALUNGKOT YON ANG NARARAPAT SA KANILA INAANI NA NILA ANG MGA PINUNLA NILANG MASASAKIT NA SINASABI NILA LABAN SAYO, MARAMI SA KANILA NA UMANI NG MASASAMA KATUMBAS SA MGA PINAGSASABI NILA SAYO, HINDI MO LANG ALAM DAHIL HINDI MO SILA KILALA. POWER NG DIYOS ANG KALABAN NILA KAYA WAG KANG MALULUNGKOT DAHIL YON ANG NARARAPAT SA KANILA, TALIWAS DIN SA MGA TAONG TUNAY NANIWALA SAYO NA MAGAGANDA ANG MGA INAANI NILA GAWA NG MAGAGANDA DIN NAMAN ANG MGA BUTONG PINUNLA NILA" ang salita ng Diyos. Sabay nagising ako. Ang mensahe ng Diyos.


Narciso Olalo
November 12, 2017
Mensahe ng Diyos: Nasa itaas ako ng isang lugar habang nakadungaw ako sa tabing dagat. Nakita ko ang mga tao na kilalako noon na mga mabuting tao sila dahil sila ang mga nalalapitan namin pag walang wala kami. Ang sabi ko ano kaya ang ginagawa nila Sabay narinig ko ang boses ni Diyos Ama "NANGISDA SILA PUNTAHAN MO SILA MARAMI SILANG HULI. Dali dali akong bumaba at tamang tama na nagkainan sila ng kinilaw galing sa mga huli nila. Na pamangha ako dahil maraming pang isda sa lambat nila ang sabi ko sa kilala ko ang dami ninyong huli sabay nagtinginan ang mga kasamahan niya sabi sabi, NARS KUMAIN KA NG KUMAIN DYAN MARAMI KAMING HULI BAHALA KANA SA SARILI MO pati narin ang kilala ko nagsasabi na kumain ako ng kumain. Habang kumakain ako pinapanood ko sila na naghihigit sa mga isdang nasa lambat nila na pamangha ako at tuwang tuwa na marami silang huli sabay narinig ko ang boses ni Diyos Ama "YAN ANG MGA BIYAYANG UMAAPAW SA MGA TAONG MABUBUTI ANG KALOOBAN" ang salita ng Diyos. Sabay nagising ako umaga na pala.
Narciso Olalo
November 13, 2017
Mensahe ng Diyos: Nakatayo ako sa isang lugar habang pinapanood ko ang mga tao na nag-inuman na nagkasiyahan.Habang pinag masdan ko sila biglang napansin ko na gumalaw ang pinagtayuan ko at binaliwala lang nila. Lumakas ng lumakas ito hangang sa sumisigaw AYAN NA DUMATING NA ANG SINASABI KO NA MALAKAS NA LINDOL habang hakikita ko ang mga tao nagtakbuhan at ang iba ay dumapa habang ako ay nakatayo na pinagmasdan ko ang bawat yanig ng lupa na dinuduyan ako kahit nahilo na ako sa lakas ng yanig iniisip ko rin na maraming buhay ang malagas at mga ari-ari-an ang masisira sa lakas nito. Napasigaw ako ng pinakamalakas PANGINOONG JESUS NANDITO LANG AKO NANATILING NAKATAYO, PANGINOON GAGAWIN KO ANG LAHAT MAILIGTAS KO LANG ANG MGA TAO. PANGINOON NARIRINIG MO BA AKO? sabay narinig ko ang pinakalas na boses na parang malakas na kulog sa buong buhay ko pakiramdam ko para akong nilamon ng boses kaya napadapa ako ng kunti ang sabi "OO........NARIRINIG KITA..........." sabay nagising ako bago ko dinilat ang mata ko inaalala ko muna ang mensahe niya ayon sa sinabi niya na bago mo idilat ang iyong mga mata alalahanin mo muna ang mga mensahe ko. Habang ginagawa ko ito may naririnig ako ng boses babae SIR NARCISO OLALO SAAN BA ITO MANGYAYARI sabay narinig ko ang boses ni Diyos Ama na malakas din ang sabi "SA PILIPINAS ITO MANGYAYARI" ang salita at mensahe ng Diyos.
Ang lahat ay maging handa. Ang mahilig mangutya humanda kayo dahil kung nagkataon isa kayo sa mahagip nito wag ninyong baliwalain ito dahil mangyayari at mangyayari ito.
Narciso Olalo
November 13, 2017
Mensahe ng Diyos: Habang naka tayo ako may isang Nanay na tumatawag sa akin ang sabi SIR NARCISO TINGNAN MO ANG MUKAH =A NG ANAK KO PARANG HINDI NA SIYA DAHIL TUMABINGI ITO bigla akong napalingon sa kaliwa nakita ko ang muka ng isang batang babae na hindi ko na makilala na ang alam ko kilala ko siya. Dumigaw ang nanay ang sabi SABI NG ISANG MANGGAGAMOT MAG ALAY DAW AKO nag isip anong alay na sinasabi niya sabay narinig ko ang boses ni Diyos Ama ANONG ALAY ANG PINAGSASABI NIYA SABIHIN MO LANG SA KANYA LAGYAN LANG NIYA NG LANGIS NA GALING SAYO ANG MUKHA NG BATA MAGING OK NA SIYA GAGALING SIYA AYON SA PANINIWALA NG MAGULANG NG BATA" ang salita ng Diyos. Sabay nagising ako. Ang mensahe ng Diyos.

November 14, 2017
Lindol sa Iraq, Lindol sa Saudi 7.2 wala yan dati nayang lindol na yan hindi pa ako pinanganak lindol nayan malakas na sa inyo ang 7.2 para sa akin mahina payan dahil may pinakita sa akin ang Diyos na MASMALAKAS PA DYAN NA SIYANG MAKAPAGBAGO SA BUHAY NG TAO MANGYAYARI ITO SA BANSANG TINATAWAG NG DIYOS MAKASALANANG BANSA WALA IBA KUNG DI PILIPINAS" yan ang sabi ng Diyos. Hintayin ninyo dahil darating at darating ito. Binigyan pa niya ang Pilipinas na magkaroon ng PAGBABAGO, PAGSISI AT MAGKAROON NG TUNAY PANINIWALA ANG MGA TAO. Anong sabi ng Diyos "KUNG ANG LAHAT NG MENSAHE KO NA PINARATING MO SA MGA TAO PAG NANGYARI YON AGAD HINDI NA AKO NAGPAALALA NAG HUSGA NA AKO, PERO ANG LAHAT AY MANGYAYARI ITO DAHIL PAG HINDI NANGYARI SASABIHIN NG MGA TAO SINUNGALING KA , NAGPATOTOO KA, O KAYA'Y NABUANG KA KAYA MANGYAYARI AT MANGYAYARI ITO" ang salita ng Diyos.
November 18, 2017
Mensahe ng Diyos: Nasa lood ako ng isang bahay na kilalang kilala ko. Sila ang pamilya na malapit sa puso ko pero sila din ang hindi naniwala. Habang pinapanood sila dalawa sa anak ng magkakapatid ay masakit. Ang sabi ng tiyahin ng bata Nars gamutin mo ang pamangkin ko napatingin ak sa kanya at napasandal sa dingding at sabay narinig ko ang boses ng Diyos SABIHIN MO SA KANYA NA ANG GINAGAMOT MO AY ANG TUNAY NANIWALA, DAHIL BATA 10 YEARS OLD PABABA ANG MAGKAROON NG PANINIWALA ANG MAGULANG NITO" ang salita ng Diyos Yon din ang sinabi ko sa kanya habang pinapanood ko ang nanay ng bata na nakahiga na walang kibo sabay sabi Ng Diyos ANG NANAY N BATA AY HINDI NAMAN YAN NANIWALA. Ang sabi ng tiyahin segi gamutin mo maniniwala ako pag napagaling mo siya, sabay narinig ko ang Diyos SABIHIN MO SA KANYA ISA SA AYAW K SA TAO ANG PANINIWALANG MAY KAPALIT'' ang salita ng Diyos.
Napatingin ako sa kabilang kwarto may isang malaking bata na nasa 13 years old ang edad nag liyadliyad sa sakit sa katawan nilapitan ko ito sa awa ko tingnong ko ang bata ikaw ba ay naniwala sa akin na ginagamit ng Diyos na kasangkapan at naniwala kay Jesus christ na tunay na Diyos at may ginawa pa ako sa katawan ng bata at sumagot ang bata sabi niya NANIWALA PO AKO SA INYO sabay nakita ko ang bata tumayo at nagpasalamat sabay sabi ng Diyos DIBA SABI KO SAYO GAGALING ANG TAO AYON SA PANINIWALA NIYA MALIBAN SA MGA BATA NA 10 YEARS OLD BELOW" ang salita ng Diyos. Ang mensahe ng diyos.
Narciso Olalo
November 21, 2017

Mensahe ng Diyos: Naglalakad ako sa isang babayin, hindi nagtagal nakaabot ako sa isang butas na parang cueba pumasok ako at nakita ko ang apat na sagwan o paddle isang malaki at tatlong medyo maliit nagtataka ako kung bakit mayron doon na wala namang bangka sabay narinig ko ang boses ni Diyos Ama "KUNIN MO LAHAT AT YON ANG MAGING SAGWAN MO SA BANGKANG GINAWA MO AT SEGUDUHIN MO NA GAWA ITO SA KAHOY PARA KUNG MAY MANGYARI MAN LILITAW AT LILITAW PARIN ANG SAGWAN MO, DARATING ANG PANAHON NA ANG TUBIG AY TATABUN NA SA LUPA" ang salita ng Diyos.

Narciso Olalo
November 21, 2017

Mensahe ng Diyos: My pinakita ang Diyos na my isang lugar na gumamit ng poison na isinama sa hangin at hindi alam ng tao na may poison at dahandahang magkaroon ang tao ng sakit at ang iba kung hindi maagapan mamatay ito. Mapagmatyag at laging handa. Ang mensahe ng Diyos.

Narciso Olalo
November 21, 2017
Mensahe ng Diyos: May pinakita ang Diyos na may mapapasin tayo na isang maliwanag na ilaw na nanggagaling sa isang lugar na akala natin ay isang malaking sunog pero hindi pala, nagbabago ang ilaw nito. Ang sabi ng Diyos AKO ANG MAY GAWA NITO LAGING HANDA" ang mensahe ng Diyos.

Narciso Olalo
November 21, 2017
Mensahe ng Diyos: May isang taong pinuntahan ko na nag reklamo sa sakit ng tiyan, nasa tabi niya ako hinipo ko ang kanyang tiyan at pinitik ko ito sa paghipo ko may nasalat akong malaking bukol na hubog KIDNEY sabay narinig ko ang boses ni Diyos Ama "PISAIN MO PARA GAGALING NA SIYA" ang salita ng Diyos. Pinisa ko at nadurog sabay nagising ako sa alarm clock ng asawa ko umaga na pala. Ang mensahe ng Diyos. Kung sino man sa inyo na nagreklamo sa sakit sa tiyan kagabi at kinaumagahan na wala ginamot ko kayo habang espiritu ako ayon sa paniniwala ninyo sa akin naginagamit ako ng Diyos na kasangkapan at paniniwala kay Jesus Christ. Hindi ito bago sa akin may mga taong ginagamot ko pag espiritu ako gumagaling sila agad. Kung sino kaman mag post kalang sa wall ko o gumawa ka ng video para maipagtangol mo ang Diyos na nagpagaling sayo. Thanks.
November 23, 2017
Mensahe ng Diyos: Naglalakad ako sa Pilipinas sa lugar na hindi ko kilala. Napapansin ko na nabuwal ang malalaking puno at may isang malaking puno ng manga. Nagtataka ako kung bakit ito na buwal na ang alam ko wala namang malakas na hanin. Sa unahan may nakita akong isang bahay lumapit ako sa silong at maraming tao ang nagkasiyahan, maraming kalalakihan at noong nakita nila ako pinagtatawanan nila, pinagloloko nila ako subalit nakikisakay nalang ako sa kanila para hindi ako masasaktan sa mga pinagsasabi nila. Tumingin ako sa paligid at may isang lalaking nakaupo sa unahan lumapit ako at napansin ko rin na may hawak pala akong dalawang itak na luma na sabay nag tanong ako sa lalaki sabay tumingin sa akin si Jesus pala ang sabi niya "HAYAAN MO ANG MGA TAONG MATATALAS ANG PANANALITA MABABAGO RIN SILA PAG DATING NG PANAHON TUMINGIN KA SA PALIGID MO, sabay tumingin ako nakita ko ang lupa ay dahandahan bumuka at gumagalaw nagtanong ako Jesus anong nangyari sumagot siya ANG NAKITA MONG MGA PUNO AT NIYOG NA NABUWAL NA WALANG HANGIN NA MALAKAS DAHIL ITO SA ILALIM NG LUPA NA GUMAGALAW WAGSILANG MAGKAKAMALI DAHIL HINDI NILA ALAM KUNG ANONG MAYRON SA ILALIM NITO, DIYOS LANG ANG NAKAKAALM POWER NG DIYOS ANG GUMAWA NITO, HINDI NILA ALAM NA BULKAN PALA ANG MAYRON DOON KAYA SABIHIN MO SA MGA TAO LAGI SILANG HANDA, SEGI IPATULOY MO ANG IYONG PAGLALAKBAY HABANG MAY PANAHON PA" ang salita nI Jesus Christ. Nagmamadali akong umalis gawa ng nakikita ko rin ang lupa na nag patuloy sa pag buka atgumagalaw kaya sa takot ko nagmamadali akong umalis sabay nagising ako. Ang mensahe ng Diyos. Kung babasahin ko ito may malakas na lindol na darating dahil nasa visaya ako mangyayari ito sa ka visayaan. laging handa. Malakas ito kung mangyari dahil nagbuwalan ang mga puno at bumuka ng malalaki ang lupa. Ang lahat ay maging handa lalo na sa mga taong pinagtatawanan ninyo ang pinarating ko na tunay na mensahe ng Diyos.

November 23, 2017
Mensahe ng Diyos: Habang naka tayo ako nakita ko ang isang babaeng may ginagawa na inaayus niya ang nagkabuholbuhol ng mga bagay nagtataka ako kung sino siya at anong ginagawa niya sabay narinig ko ang boses ni Diyos Ama "SI MERLE YAN GUMAGAWA SIYA NG PARAAN MAAYUS LANG ANG PAMILYA NIYA" ang salita ng Diyos habang patuloy ko siyang pinapanod na may iniikot siya maging mayus lang ang lahat. Ang mensahe ng Diyos.
November 23, 2017
Mensahe ng Diyos: Nasa Pilipinas ako naglalakad hindi nagtagal inabot ako ng kailangan mag toilet abot ang tingin ko sa paligid wala AKONG NAKITANG PUBLIC TOILET nakita ko ang isang kainan lumapit ako para makigamit pero nakita ko ang toilet nila naka padlock. Lumabas ako para mag hanap ng iba puasok ako sa isang building nakita ko cr lang ng babae, umakyat ako sa ibang palapag wala akong nakikita na cr kaya nag pasya nalang ako na bumaba nakita ko sa isang sulok na may umihi kaya lumapit ako at nakita ko sa tabi na mga mga madudungis ng kabatan natutulog pero dahil ihing-ihi na ako wala akong magawa kung di umihi nalang. Habang umiihi ako narinig ko ang boses ni Diyos Ama SEGURADUHIN MO NA MAY PERA KA DAHIL KUNG NAGKATAON KAWAWA KA, BAWAT UMIHI DITO KINIKIKILAN NG MGA ADIK NAYAN kaya habang umiihi ako takot natakot ako at nagiisip kung may mga barya nga ba ako sa bulsa. Hindi pa ako natapos may lumapit na sa akin. Pagkatapos tumalikod ako pero hinarang ako ng isang babae at ang sabi ANG BAYAD MO nagulat ako bakit ako magbabayad sa isang sulok lang ako umiihi. Dumukot ako ng barya 5 pesos inabot ko sa babae pero ang sabi kulang pa ito. Nakikiusap ko na wala na akong pera pamasahe lang ang naiwan pero ayaw niyang pumayag at tinawag niya ang kanya mga kasamahan, pag tingin ko dumami na sila sabay narinig ko ang boses ni Diyos Ama BIGYAN MO MO NA DAHIL SASAKTAN KA NILA PAG HINDI KA MAGBIGAY kaya wala akong magawa pamasahe ko ibinigay ko nalang makaiwas lang sa gulo. Sabay nagising ako umaga na pala. Ang mensahe ng Diyos.
Narciso Olalo
November 24, 2017
Mensahe ng Diyos: Nasa isang lugar ako naglalakad malapit sa babayin, nagulat nalang ako na narinig ko ang isang malakas hampas ng malaking alon mula sa dagat napatakbo ako gawa ng nabigla ako. Tumingin ako sa dagat at nakita ko na ang tubig dagat ay umatras ng mabilis. Nakita ko ang mga tao nagtakbuhan paputa sa dagat at nanguha ng mga isdang na tuyuan sanhi ng mabilis ang pag baba ng tubig. Habang pinapanood ko sila nakita ko sa laot na may namomoong tatlong malalaking alon sumigaw ako sa mga tao LUMAYO KAYO SA DAGAT DAHIL MAY TSUNAMI NA PARATING. hindi nila ako pinakingan at nag patuloy sila sa pag huli ng mga isda dumating ang unang alon nag tabuhan ang mga tao at kitang kita ko ang paglamon ng alon sa mga taong naabutan sabay sumigaw ang Diyos "SABIHIN MO SA MGA TAO LUMAYO NA SILA SA TABING DAGAT DAHIL MAY MGA MALALAKING ALON NA DARATING PA" ang salita ng Diyos. sinigaw ko ito pero nagulat nanaman ako na bumaba uli ang tubig ng mabilis na pinakamabbabang mababa na halos hindi ko na makita ang tubig dagat natuyuan na talaga ang dagat ng tubig sabay narinig ko ang boses ni Diyos Ama "SABIHIN MO SA MGA TAO PAGHANDAAN NILA ANG PAGBALIK TUBIG DAGAT MASMATINDI PA ANG PINASALA NITO MARAMING BUHAY NG TAO ANG MALALAGAS NITO KAYA ANG LAHAT AY LAGING HANDA" ang salita ng Diyos . Sabay nagising ako. Ang mensahe ng Diyos.
Narciso Olalo
November 27, 2017
Mensahe ng Diyos: Naglalakad ako sa isang lugar at nakita ko ang isang gusali at napagpasyahan kung pumasok sa loob nito. Pag dating ko sa entrance may isang lalaking nakatayo nagtanong ako agad NASAAN BA ANG PRESENT NA PINTUAN sabay tinuro niya sa loob napalingon ako may dalawang pintuan sa kanan maliit at may sa kaliwa na malaki na parang pintuan ng sinihan. Pumasok ako sa loob bago ang pintuan samatalang may lalakiing nauna sa akin naglakad papunta sa pintuan pero pumasok siya sa pintuang maliit napahinto ako baka magkamali ako sa pag pasok kung alin sa dalawa ang present na tinatanong ko sa lalaki. Tumingin ako uli sa entrance kung may parating na tao para magtanong ako uli. Timing naman na may isang lalaking parating nag salita ako excuse me magtatanong lang ako gusto ko lang maka seguro kung nasaan ang tamang pintuan sa PRESENT sabay tinuro ng lalaki na pointing sa daliri niya sa pintuang malaki sa bandang kaliwa sabay pumasok siya sa maliit na pintuan na sinundan ko pa ng tingin. Nagpasya na akong pumasok na may halong takot baka may horror sa loob na palabas dahil naririnig ko ang malakas na sound na parang nasa Movie theatre na may nasilip akong ilaw na pula sa loob na parang madilim, habang papasok ako naisip ko na makikita ko ang mga buhay na tao at mga kaluluwa. Pero ang sabi ko sa sarili ko kaya ko ito sabay pumasok ako. Pag bukas ko sa pintuan napatingin ako sa paligid na ang daming tao na nakahiga at may nakaupo at nakatayo nagulat ako sa inaakala ko na sinihan sa loob hindi pala may mga sakit pala ang nandoon dahil napahinto ako na habang hawak ko pa ang pintuan, tumuloy ako at humakbang papasok. Naka tatlong hakbang seguro ako nakita ko ang isang malaking lalaki na nakasuot ng Polo shirt na mukhang English at matangkad nasa edad 50 o 51 ang edad na may puti na rin ang buhok na medyo may wave ang buhok nito nakaupo siya sa isang upuan nakaharap sa maraming tao. Napadaan ako sa tabi niya at napahinto ako sa tapat habang pinagmasdan ko ang maraming tao na may sakit na awang awa ako sa kanila. Nakatingin ako sa malaking lalaki at nakatingin din siya sa akin sabay hinawakan niya ang braso ko at nagsalita siya ang sabi " NARCISO OLALO I AM THE FATHER OF ALL CHILDREN sabay tumingin siya sa paligid at tumingin din ako na nag-iisip kung bakit sinabi niyang children na may mga matatanda din. Tumingin siya sa akin uli. NARCISO OLALO SILANG LAHAT GAGAMUTIN MO GAMITIN MO ANG BINIGAY NG DIYOS SAYO DAHIL KUNG HINDI MASASAYANG ITO. Nagtanong ako sa kanya KUNG HINDI KO BA ITO GAMITIN MAWAWALA BA ITO BABAWIIN BA ITO NG DIYOS? Sumagot siya na pabulong nilapit niya ang kanyang bibig sa teynga ko at may binulong siya. Pero hindi malinaw sa akin ang naririnig ko COMMON YAN nag tanong ako uli anong sabi mo comon o common tumango siya at sinabi ko uli IBIG MONG SABIHIN MAWAWALA ITO SA AKIN KUNG HINDI KO ITO GAGAMITIN DAHIL KUKUNIN ITO NG DIYOS? Sumagot siya HINDI NA MAWAWALA SAYO NAKATATAK NA YAN SA BOSES MO, HINDI KATULAD NI DANIEL NOON,SIGE GAMUTIN MO SILA, ANG LAHAT NG NANIWALA AT GAMITIN MO YAN SA TAMA habang nagsasalita siya nasa isip ko na na siya si Jesus nag salita ako ang sabi ko IKAW TALAGA O ALAM KO NAMAN NA IKAW SI JESUS sabay nagkatitigan kami ng mata at nag smile siya. May isang babaeng nagsalita sa kaliwang bahagi ko na may boses din ng bata ang sabi SIR NARCISO OLALO TINGNAN MO ANG SAKIT SA BALAT NG ANAK Na GINAMOT MO GUMALING NA SIYA sabay napatingin ako. Tingnan ko ang bata Oo nga gumaling na siya. Sabay lumingon ako uli kay Jesus at bigla nalang ako nalungkot dahil nawala na siya at ang nakita ko nalang ang isang lalaking tatay na next sa inuupuan niya ang nasa isip ko nagpalit na naman siya ng anyo. Sabay nagising ako umaga na pala ang mensahe ng Diyos. Napakagandang mensahe para sa ating lahat lalo na sa inyong malayo ang tunay na paniniwala. Gumising na kayo ang Diyos ay nalulungkot na.

Narciso Olalo
November 29, 2017
Mensahe ng Diyos naglalakad kami ni Jesus Christ habang nakasunod ako sa kanya pumasok siya sa isang malaking palingke. Pagdting sa loob pinagmasdan niya ang buong paligid sabay tumingin siya sa akin at ang sabi 'NAKIKITA MO BA YANG MGA TAONG YAN IISA LANG ANG MGA KULAY NILA sabay tingin ako nag taka ako kung bakit iisa lang ang kulay na iba-iba naman ang mga suot nilang damit. Sabay nakatingin ako sa mga malilit na mga isda at habang nakasiyahan ang mga tao. Tumingin si Jesus sa akin ang sabi niya ANG TAO AY GAHAMAN SA LAHAT NG BAGAY DITO SA LUPA, MAKIKITA MO ANG LAMANG DAGAT NA HINDI MO PA MAKILALA HINUHULI NA NILA TAMA ANG PANINIWALA MO NA LAHAT NG NILIKHA KO AY DAPAT PANGANGALAAN NG MGA TAO" ang salita ni Jesus nag tanong ako nasaan tayo ngayon sumagot siya LUMABAS KA SA GUSALI PARA MAKIKITA MO KUNG ANO ANG MAYRON DOON sabay lumabas ako at naglakad nakikita ko na nasa tabing dagat kami pero biglang nagbago ang anyo ng lugar nagtataka ako dahil ang dating syudad ay naging Ghost town sabay narinig ko ang malakas na huni na galing sa ilalim ng lupa na parang maputik sabay narinig ko ang boses ni Diyos Ama "PAGNARINIG NILA ANG HUNI NA NAIIBA NA GALING SA LUPA MAGHANDA NA SILA DAHIL ANG DATING SYUDAD MAGING GHOST TOWN NA ITO, DUDURUGIN NG POWER NG DIYOS ANG LUGAR NA ITO NA PARANG LIBINGAN NG MARAMING TAO NA HALOS WALA NA KAYONG MAKIKITA BAHAY AT GUSALING NAKATAYO AT MAARI PA ANG TUBIG SA DAGAT AY AAKYAT PA SA LUPA" ang saita ng Diyos. Tumabok ako pabalik pero hindi ko na alam kung saan ako nanggagaling dahil puro tubig na ang nakikita ko na ang alam ko doon ako lumabas. Nakita ko si Jesus nakatayo ang sabi ko sa kanya Jesus ito ba ang pintuan na pinanggalingan ko sumagot siya sabay dungaw "TAMA KA PERO HINDI MO NA MAKIKITA DAHIL ANG BUONG LUGAR AY NATATABUANN NA NG TUBIG DAGAT SEGI LUMAKAD NA TAYO BAKA AABUTIN PA TAYO NG TUBG SA TINATAYUAN NATIN" ang saita ni Jesus sabay nagising ako umaga na pala. Ang mensahe ng Diyos bilang paalala sa mga tao oara sa pangalawang pagbalik.

Narciso Olalo
November 30, 2017
Mensahe ng Diyos: Nasa loob kami ng isang kwarto isa PARI AT ISANG PASTOR habang nagmamasid ako sa paligid nakita ko si Jesus Christ nasa gitna nakaupo nag salita siya "NARCISO OLALO HALI KA AKO ANG MAMAGITAN SA INYONG PINAGTATALUNAN KUNG MAY ESPIRITONG DEMONYO sabay lumapit ako nakapaligid kaming tatlo. Nag salit uli si Jesus pero naka harap siya sa pari at pastor ang sabi niya IKAW PARI AT IKAW PASTOR PAANO MO MAPATUNAYAN NA MAY ESPIRITONG DEMONYO SA BUHAY NG TAO? habang hinihintay ko ang sagot nila nagtinginan ang pari at pastor. Walang sagot silang dalawa. Nag salita uli si Jesus Christ KUNG MAYRON MAN DALHIN MO SA HARAP KO AT IPAKITA NINYO SA AKIN, KUNG MAY DEMONYO SA IBANG LUGAR DALHIN RIN NINYO SA HARAP KO PARA MAPATUNAYAN NINYO NA MAY ESPIRITONG DEMONYO NA PINAGPILITAN NINYO. Sabay tumingin sa akin si Jesus IKAW NARCISO OLALO IKAW ANG TUNAY NA NAGSASABI NG KATUTUHANAN DAHIL KAYA MONG PATUNAYAN ANG LAHAT NG SINASABI MO. KAYA MONG DALHIN ANG TUNAY NA DEMONYO SA HARAPAN NG MGA TAO" ang salita ni Jesus Christ. Sabay nagising ako. Ang mensahe ng Diyos.
Narciso Olalo
November 30, 2017
Mensahe ng Diyos: Nanood ako ng isang balita sa isang intablado. Habang nakikinig ako sa isang reporter may sinasabi siya sa mga tao ITO SIYA ANG SINASABI KO NA TUNAY NA GINAMIT NG DIYOS NANDITO SIYA NGAYON MAARI NATIN SIYANG MAKAUSAP NGAYON DIN nagtataka ako kung sino kaya yon habang pinapanood ko sila binaling sa akin ang camera hinarapa sa akin at nilapitan ako ng reporter dahil nasilaw ako sa ilaw ng camera parang wala akong nakikita sa paligid nagtatanong sila at sinasagot ko nalang ang lahat ng katanungan nila nasasgot ko ng tama. Pag katapos umalis ako na parang wala akong maalala kung ano ang pinag-usapan namin. Napadaan ako sa mraming tao habang palabas ako naririnig ko ang kwentuhan ng mga tao. Siya ang tunay na sugo ng Diyos dahil kaya niyang sagutin ano man ang katanungan at kaya niyang ipaliwanag ng mabuti at kaya niyang patunayan sa harap nino man. May isang lalaking hmarang sa akin SIR Narciso Olalo SINO SA INYO ANG TUNAY NA NAGSASALITA DAHIL DALAWA ANG KAYO ANG NASA PANINGIN KO sabay narinig ko ang boses ni Diyos Ama SABIHIN MO ANG KAMBAL MO. Sinagot ko ang lalaki ANG KAMBAL KO ANG NAGSASALITA KATUNAYAN WALA AKONG MAALALA. Sabay nag tanong ako s alalaki BAKIT MO TINANTANONG? sumagot siya KASI ANG LAHAT NG SINASABI AY TOTOONG TOTOO sabay narinig ko ang boses ni Diyos Ama SABIHIN MO SA KANYA AAMININ MO NA IKAW DIN YON" ang salita ng Diyos. Sinabi ko sa lalaki sa totoo lang ako yong nagsasalita. Sabay nagising ako. Ang mensahe ng Diyos.
Narciso Olalo
November 30, 2017
Mensahe ng Diyos: Habang Naglalakad ako sa isang lugar may nadaanan akong isang kwadradong bebengka na isang peborito ko, kinuha ko ito at tinikman ko pag tikim ko ay walang lasa at kukunti lang ang tamis, naisip ko pa na hilaw yon, binulsa ko ito dahil ayaw kung itapon kung saan saan, kailangan kung itapon sa tamang tapunan. Habang papasok ako sa isang gusali nakita ko na maraming tao ang nasa loob, at nakita ko ang isang lalaking nag luto ng bebengka dahil peborito ko gusto kung bumili nag tanong ako MAGKANO BA ANG ISA SA BEBENGKA MO TUMINGIN SA AKIN ANG LALAKI NA HINDI NAGSASALITA NAG-IISIP SIYA KUNG PAPAANO, HABANG PINAPANOOD KO ANG BEBENGKA UMUUSOK PA SA INIT NA PULANG PULA. Ang sabi ng lalaki ilan ba ang kailangan mo ang sabi ko sampo (10) pero ayaw parin magbigay kung magkano. Pero narinig ko boses ni Diyos Ama "LASAHAN MO MUNA BAGO KA BUMILI" ang salita ng Diyos. Sabay nagising ako. Ang mensahe ng Diyos. Ipaliwanag ninyo kung anong ibig sabihin ng Diyos dito. Gagawin ito sa live. Abangan ninyo marami akong gagawin live sa Sabado at Lingo ng hapon mag umpisa ako 6:00pm oras sa Pilipinas. Good luck sa lahat.
November 30, 2017
Mensahe ng Diyos: May sinulat ako sa isang lamisa habang nagsusulat ako may isang babaeng lumapit at tinitingnan niya ang sinulat ko sabay inangat ko ang aking kamay para tingnan kung sino siya, sa hindi ko inaasahan na tinamaan ko ang kanyang mata sa hawak ko na isang malapad na GLASS nasugatan siya at dumugo, nag sorry ako sa kanya sabay ang sabi ng Diyos "HINDI KAILANGAN NA MAG SORRY KA HAYAAN MO SIYANG MASAKTAN" ang salita ng Diyos. Tumingin ako sa mukha ng babae nagbago-bago ito nag iba iba ang anyo niya, naging lalaki, naging babae naging bata at naging matanda. Nag -isp ako kung bakit, sabay nagising ako. Ang mensahe ng Diyos. Ipaliwanag ninyo ito kung anong mensahe na pinarating ng Diyos dito. Ipaliwanag ko rin ito sa LIVE. Good luck sa lahat

For more information about Narciso Olalo, please carefully read below.

Narciso Olalo-GOD'S INSTRUMENT IN SPREADING THE TRUTH.

Ang no. 1 napili na pinag-utusan ng Diyos. Ang boses makapagaling, makakita ng kasalanan ng taong buhay o patay man at higit sa lahat makakita ng parating.
PLEASE CLICK THE LINKS BELOW AND DISCOVER THE PROOF OF GOD'S MIRACLES. 
ANG TANONG, SINO BA ANG MAKAKITA SA ATING MGA KASALANAN?

For more testimonies, please click the following social media links below and discover the truth leading to salvation in preparation for God's second coming.

No comments:

Post a Comment