Friday, October 25, 2019

"ITONG ISA MGA PASTOR SILA. ITONG ISA ANG MGA PARI SILA. HINALINTULAD KO SILA SA INSEKTONG SUROT DAHIL SILA ANG SUMISIPSIP SA DUGO NG TAO.

Narciso Olalo
September 18,2016
Mensahe ng Diyos: Habang nakatayo ako at nakatayo si Jesus Christ sa bandang kanan ko ang sabi niya "TINGNAN MO ANG DALAWANG BAGAY NA IYAN SABAY TURO NIYA" ang salita ng Diyos. Nilapitan ko ito at nakikita ko ang isa ay parang kahoy na hubog lollipap may kalakihan ito. Kitang kita ko na may biyak biyak at maraming nakasiksik na mga insekto, tiningnan ko rin ang isa na parang poste na may nakatakip na salamin na clear na ang poste ay may biyak-biyak din at sa ilalim ng salamin may mga insekto din nagtataka ako kung anong klaseng insekto ang nandoon sabay nag tanong ako kay Jesus, tumingin ako sa kanya "panginoon anong klaseng insekto sila"? sumagot siya "ITONG ISA MGA PASTOR SILA. ITONG ISA ANG MGA PARI SILA. HINALINTULAD KO SILA SA INSEKTONG SUROT DAHIL SILA ANG SUMISIPSIP SA DUGO NG TAO. KUNIN MO AT ILUBLOB MO SA NAGBABAGANG ULING PARA MAMATAY" ang salita ni Jesus Christ. Sabay kinuha ko ito at inilublob ko ang dalawa sabay ahon at tiningnan ko kung patay na ba sila nagulat ako dahil buhay pa sila ang sabi ko panginoon buhay pa sila sumagot siya "MATIBAY SILA.HINDI SILA BASTA BASTA MAMATAY KAYA ANG KAILANGAN SA KANILA SA IMPIERNO ILALAGAY" ang salita ni Jesus Christ. Sabay kinuha ko ang isa na nilublob ko rin sa nagbabagang uling at tiningnan ko buhay pa rin pero may nakasulat at binasa ko" AKO AY NAGBABAGO, NAGSISISI AT LUBOS NANIWALA" sinabi ko kay Jesus Christ sabay sumagot siya "NASAAN ANG PAGBABAGO, PAGSISISI AT PANINIWALA NILA SAMANTALANG NASA DATING GAWAIN PA RIN SILA" ang salita ni Jesus Christ.
Malinaw dito sa mensahe ng Diyos na kung ang tao ay nagsasabing nagbabago, nagsisisi at naniniwala pero nasa dating gawain pa rin sila ay sa impierno pa rin ang punta nila. Kahit nga pari at pastor na nagsasabing naniwala sila sa mga pinarating ko pero ang gawain nila sa simbahan ay pinapatuloy pa rin nila sa impierno pa rin ang punta nila. Tama ang paniniwala ko na ang paniniwala ay wala sa salita at nasa gawa. Para sa lahat hindi pa huli may panahon pa iligtas ninyo ang inyong mga kaululuwa bago pa maghusga ang Diyos.


Connect with us on Narciso Olalo's social media - Follow us and be an active supporter in sharing God's messages. Scan the QR code with your smart phone or click this link https://qrco.de/bbIMjD 

No comments:

Post a Comment

Narciso Olalo Zoom, November 17, 2024